Pula, puti, asul at dilaw
Mga kulay na nagbigay ilaw.
Ang kulay ng bandilang nasa puso ko,
At di maaalis sa pagkatao ko.
Sa wagayway ng telang ito,
Kalayaan ang sumasalamin dito.
Kalayaang minsa’y nakamit,
Pero parang nawala at nasungkit.
Sa puso ng ila’y aking nakikita,
Diyos at bayan kanilang sinisinta.
Pero bakit ang iba walang pakialam?
At pag may namatay saka lang magdadamdam.
Paano na lamang ang bansa nating lumulubog?
Na kahit maiahon ay hindi na mahuhubog
Ang mga batang nasa lansangan
Pag-aaral ba’y hindi na nila mararanasan?
Kailan nga ba tayo magigising sa katotohanan?
Pag tayo ba’y wala ng tahanan?
Ang tanging maibibigay ng Diyos ay awa
pero nasa atin pa rin ang gawa.
May mayaman man at mahirap
Pero iisa lang ang ating hinaharap
sa pagdaan ng panahon,
sana kahirapan ay maiahon.
Para saan ang aking pagkamatay
Kung ganito lang din ang inyong buhay?
Para saan pa ang mukha ko sa piso
Kung mahalaga lang ito sa pulubing may baso?
Naniniwala ako, na lahat tayo ay bayani
Na hindi na kailangan maghintay ng ani
Bakit bukas pa at hindi ngayon?
Bakit ang lungsod lang paano ang nayon?
Matalino,marangal, at kayumanggi.
Ito tayo, Pilipinong katangi-tangi
Karangalang dapat ipagbunyi
At isang natatanging lahi.
Mga kulay na nagbigay ilaw.
Ang kulay ng bandilang nasa puso ko,
At di maaalis sa pagkatao ko.
Sa wagayway ng telang ito,
Kalayaan ang sumasalamin dito.
Kalayaang minsa’y nakamit,
Pero parang nawala at nasungkit.
Sa puso ng ila’y aking nakikita,
Diyos at bayan kanilang sinisinta.
Pero bakit ang iba walang pakialam?
At pag may namatay saka lang magdadamdam.
Paano na lamang ang bansa nating lumulubog?
Na kahit maiahon ay hindi na mahuhubog
Ang mga batang nasa lansangan
Pag-aaral ba’y hindi na nila mararanasan?
Kailan nga ba tayo magigising sa katotohanan?
Pag tayo ba’y wala ng tahanan?
Ang tanging maibibigay ng Diyos ay awa
pero nasa atin pa rin ang gawa.
May mayaman man at mahirap
Pero iisa lang ang ating hinaharap
sa pagdaan ng panahon,
sana kahirapan ay maiahon.
Para saan ang aking pagkamatay
Kung ganito lang din ang inyong buhay?
Para saan pa ang mukha ko sa piso
Kung mahalaga lang ito sa pulubing may baso?
Naniniwala ako, na lahat tayo ay bayani
Na hindi na kailangan maghintay ng ani
Bakit bukas pa at hindi ngayon?
Bakit ang lungsod lang paano ang nayon?
Matalino,marangal, at kayumanggi.
Ito tayo, Pilipinong katangi-tangi
Karangalang dapat ipagbunyi
At isang natatanging lahi.