Thursday, March 26, 2009

Ang Aking Talambuhay


Sa mga pirapirasong papel at pinagtagpi-tagping mga salita nabuo ang isang pagkatao. Isang pagkataong pinintahan ng pangarap at kinulayan ng pluma at papel. At ito ang salamin ng buhay ko. Isang batang pinagkaitan na makasama ang pamilya ngunit sa kabila ng mga pagsubok ay hindi natinag ang mga pangarap.

Lumaki ako sa piling ng iba’t ibang tao at kamag-anak. Bata pa lamang kasi ako nang iwanan ako ng aking mga magulang upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Marahil mahirap ngunit nakayanan ko ito at natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Sa paglipas ng panaon ay biniyayaan kami ng dalawang anghel na tumulong sa akin upang maging isang responsableng ate at anak. Bagamat malayo man ako sa aking pamilya, hindi sila nagkulang ng payo at pangaral sa akin pero paminsan minsa’y hindi ko rin maiwasan ang magkamali kaya sa halip na sisihin ko ang aking sarili at magmukmok na lamang sa tabi ay sinubukan kong magsulat at maipahayag ang aking mga saloobin. At sa papel na iyon, nakilala ko ang aking sarili at natuklasan ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan. At iyon ay ang mapamahal sa pagsusulat.

Sa mga panahon na ako’y nag-aaral, iba’t ibang panig ng buhay ang aking hinarap. Isa na rito ay ang pagtira sa aking mga lolo’t lola hanggang sa pagtira sa aking ninang. Kinailangan kong lumipat ng iba’t ibang tahanan pagkat wala nga ang pamilya ko at sa kadahilanan na din na malalapit ang kanilang bahay sa aking paaralan. Marahil mahirap pero sa aking paglipat ng tahana’y marami akong natutunan na bumuo sa aking pagkatao.

At ngayon sa panibagong pahina ng aking buhay, haharapin ko ang isang paglalakbay upang maabot ng aking mga pangarap. At sa paglalakbay na ito, tanging sandata ko lamang ay ang aking pluma at patnubay ng Diyos.

12 comments:

  1. LOL nice job! thank you makakatulong na rin toh sa assignment ko! tnx.

    ReplyDelete
  2. thanks nakatulong ito sa pag gawa ko ng aking sanaysay

    ReplyDelete
  3. lolz bkit yan lang

    ReplyDelete
  4. tnx, nakatolong ang iyong talambuhay sa aking assignment

    ReplyDelete
  5. .. ahhh thank you
    akouh din nakatulong ka sa talambuhay na assignment kuh..

    ReplyDelete
  6. ate tnx pOeh!!!!


    dhil poeh sau!!! kz! pOeh may assignment nah p0eh aq!!!!!!!!!!



    TnX pOeH!!!

    ReplyDelete
  7. salamat! may ideya na ako sa pag sulat nang JOURNAL tungkol sa talambuhay ko.. ^^

    ReplyDelete
  8. Thanx for sharing this publicly :)

    ReplyDelete
  9. Tnx..... halos pariho tayo ng pinag daanan... pero ama lang ang wala sa aking. but ako lang kasi ang bumubuhay sa aking pamiya at nag aaral pa ako....

    ReplyDelete
  10. salamat may maipapaxa na qoe sa values namin ^_^

    ReplyDelete
  11. tnx po dito,hehe gagawa din kasi kami ng talambuhay,hehe kya toh with God^__________^

    ReplyDelete